
Kinumpirma ni Atty. Cornelio Samaniego III, tagapagsalita at abogado ng mag-asawang Curlee at Cezarah “Sarah” Discaya na nag-“tell all” na sila sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) at maging sa Justice Department.
Ayon kay Samaniego, pinangalanan na rin ng kaniyang mga kliyente ang lahat ng mga personalidad na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sinabi ni Samaniego na 17 personalidad ang nabanggit ng mag-asawa sa kanilang affidavit at magsusumite pa sila ng supplemental affidavit.
Sa supplemental affidavit aniya, ilalagay nila ang mga pangalan ng iba pang mga sangkot sa katiwalian na hindi nila nabanggit sa padinig ng Kamara at Senado.
Sa ngayon, nasa protective custody na ng DOJ ang mag-asawang Discaya.
Inihayag naman ni Samaniego na wala silang isasauli na luxury vehicles matapos na ma-freeze ang bank accounts ng mga Discaya.
Nanindigan din aniya ang mag-asawang Discaya na isiwalat ang lahat lalo na ngayong inuulan ito ng pagbabanta sa kanilang buhay.









