Mag-asawang doble ang nakuhang ECQ ayuda, inaresto sa Antipolo City

56

Hinuli ng Antipolo City Police ang mag-asawang sina Ponchito Abreu at Zenaida Abreu matapos na madiskubre na doble ang ₱4,000 na ayuda na kanilang kinuha.

Sa Facebook post ni Antipolo City Mayor Andeng Ynares, sinubukan pang pakiusapan para ibalik ng mag-asawa ang isa sa ₱4,000 pero nagmatigas ang mga ito kaya’t sila ay inaresto.


Ayon kay Mayor Ynares, dahil sa pagsasampa ng kaso laban sa mga nanggugulang sa pagkuha ng ayuda ay mayroon nang mga indibidwal na kusang nagsasauli sa sobrang tinanggap.

Batay sa record ng Antipolo City Government, hindi na bababa sa sampung katao ang kanilang nasasampahan ng kasong perjury at estafa laban sa mga nagdadaya ng mga dokumento para maka-doble ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Facebook Comments