Mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano, gustong idaan sa surprise gender revelation ang kanilang third baby

424

Tila surprise gender revelation ang gustong gawin ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano para sa kanilang 3rd baby.


Kasunod ito ng deklarasyon ni Iya ng ikatlong beses niyang pagbubuntis sa kaniyang vlog, kasama ang anak nila ni Drew na sina Primo at Leon.

Kasabay nito, hoping naman si Iya na magiging ligtas ang kaniyang delivery pero hindi pa rin inaalis ang mga posibilidad na mangyari.

Nabatid na gusto ni Iya na maging baby girl na ang kaniyang third baby pero can’t wait pa rin siya kung maging tatlo na ang kaniyang prinsipe.

Ikinasal sina Iya at Drew noong February 2014 matapos maging magkasintahan sa loob ng sampung taon.

Facebook Comments