Mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica, hiwalay na nga ba?

449

Ilang haka-haka at ispekulasyon ang nagkalat sa social media kung saan nagtatanong kung hiwalay na nga ba ang mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Base kasi sa recent tweets ni Kylie sa Twitter ay tila may hinaharap itong mabigat na pagsubok.


“I’m submissive not stupid,” tanging caption ng aktres sa black background sa burado nang post.

Habang may isa ring post na ang mensahe ay, “More selflove, babygirl” at isa pang larawan na makikitang naglalakad siya sa kanilang village at naglalaro kasama ang dalawang anak pero wala si Aljur.

Kapansin-pansin namang naka-off ang comment section ng post niyang ito, samantalang sa ibang posts niya ay hindi naman.

Samantala, maliban kay Kylie ay mayroon ding makahulugang post si Aljur kung saan ibinahagi ng aktor na nagdarasal siya nitong nakalipas na mga araw.




Sa ngayon, umaasa ang netizens na mali ang kanilang hinala tungkol sa estado ng relasyon nina Kylie at Aljur.

Sina Kylie at Aljur ay ikinasal noong December 2018.

Facebook Comments