Mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, viral online sa kanilang sweet photo

117
Photo Courtesy: Matteog Instagram Account

“Love is in the air”

Yan ang say ng mga netizens matapos mag-viral ang larawang ipinost ng aktor na si Matteo Guidicelli kasama ang kaniyang wife na si Sarah Geronimo.


Sa Instagram account ng aktor, makikita itong nakasuot ng Zigga Savella Barong Tagalog habang Mark Bumgarner modern terno naman si Sarah.

May caption ang larawan na “You are my Sunshine, My Only Sunshine…” na labis na nagpakilig sa publiko.

Komento ng mga netizens, napaka-perfect ng aura kung magsasama ang dalawa sa isang litrato.

Si Sarah at Matteo ay magdiriwang ng kanilang first anniversary ngayong buwan matapos silang ikasal noong February 20 sa Taguig.




Facebook Comments