Mag-asawang Pinoy, maswerteng tumama sa dalawang magkaibang lotto draws sa Canada

247

Maswerteng nanalo muli ang Pinoy couple sa Canada sa dalawang magkaibang lotto draws sa loob lamang ng pitong buwan.

Noong Setyembre ng nakaraang taon nang nagwagi sina Liezl Panganiban at Edgar Ebreo ng $500,000 o P23,985,000 sa 6/49 lotto sa Canada.


Habang kamakailan naman ng makuha ni Ebreo ang winning combination ng nabili niyang set for life ticket na may $675,000 o P32,379,750 na premyo.

Ayon sa mag-partner, gagamitin nila ang mga napanalunang pera para bayaran ang kanilang mga hinuhulugan at para makapagbakasyon ang kanilang pamilya.

Facebook Comments