Mag-asawang tatlong beses ng nananalo sa lotto sa Canada, kilalanin

Manila, Philippines – Matatawagmong swerte ang isang mag-asawa sa Canada na nagawang Manalo hindi lang isakundi tatlong beses sa lotto.
 
Sa pangatlongpagkakataon ay nanalo ang mag-asawang Barbara at Douglas Fink matapos tumaya salotto 649.
 
Ayon sa mag-asawa, mashappy sila ngayon sa nakuhang jackpot dahil sa unang dalawang beses ay daanglibong Canadian dollars lang ang kanilang napanalunan, pero ngayon aymilyon na.
 
Tumataginting na $8.2million Canadian dollars (katumbas ng p304.5 milyon) ang premyong maiuuwi ngmag-asawa.
 
Nabatid na hindi pa nilalubos na nae-enjoy ang kanilang mga naunang mapanalunan dahil nagpaplano palang silang magbakasyon nang matanggap nila ang balitang nanalo na naman silasa lotto.
 
Bukod sa bagong bahay aywala nang ibang hangad ang mag-asawa at plano nilang ilaan ang pera sa kanilangmga anak at apo para masigurado na magkakaroon ito ng magandang kinabukasan.
 
   

Facebook Comments