Mag-ina sa Benito Soliven, Sasampahan ng Kaso!

Benito Soliven, Isabela – Nakatakdang sampahan ng kasong Falcification of Public Documents ang mag-ina na sina Edmund Melad at Agapita Melad, residente ng Barangay Distric 2, Benito Soliven, Isabela.

Nagsadya sa himpilan ng pulisya si Maribel Melab, limamput isang taong gulang, isang self employed at residente rin ng nasabing lugar, kung saan inireklamo niya sina Edmund at Agapita dahil sa nadiskubre umano ni Maribel na may bagong titulo na ang kanilang lupa.

Unang nakapangalan umano ang nasabing lupa kina Edmund at Maribel Melab ngunit sa bagong titulo ay nakapangalan na ito sa mag-ina na lingid sa kanyang kaalaman.


Dahil dito ay nagtungo sa Registry of Deeds Ilagan si Maribel upang ireklamo ang kanilang lupa at nakumpirma na mayroon nang bagong titulo at nakapangalan na sa kaniyang biyanan.

Pursigido naman si Maribel na magsampa ng kaso laban sa asawa at biyanan .

Facebook Comments