MAG-INGAT | Mga sakit na maaaring makuha ngayong summer!

​Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services ang tag-init kahapon ika-10 ng Abril 2018 kasabay nito nagbabala ang City Health Office Dagupan sa mga sakit na maaring makuha ngayong tag-init.
​Heat Exhaustion , Hypertension , Skin Disease at Asthma ang mga sakit na tumataas angkaso sa tag-init ayon kay Dra. Ophelia T. Rivera ng CHO. Ayon sa kaniya upang hindimadevelop ang heart stroke o heat exhaustion iwasang lumabas ng bahay sa oras ng 10:00 ngumaga hanggang 2:00 ng hapon at ugaliing gumamit ng payong, sumbrero o sun glasses kapaglalabas. Makakatulong din ang pagiging Properly hydrated upang makaiwas sa sakit na maaringmakuha ngayong tag-init kaya payo ng CHO na uminom ng walong baso ng tubig sa isang araw.
​Upang maiwasan ang skin disease ayon sa CHO ugaliin ang pagligo araw araw at kung pinagpapwisan gumamit ng malinis na tuwalya upang magpunas ng maiwasan ang impeksyon.
Mapabata o Matanda ay hindi ligtas sa sakit na maaring maukha ngayong tag-init kaya dapatumanong mag-ingat at magpakonsulta.

Ulat nila Mark Francisco/ Jerame Laxamana

Facebook Comments