MAG-INGAT | PNP, nagpaalala sa publiko na manatiling alerto at mapagbantay ngayong panahon ng eleksyon.

23

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na manatiling alerto at maging maingat ngayong panahon ng eleksyon.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, bagaman mahigpit na seguridad ang kanilang ipinapatupad mahalaga pa rin na mag-ingat ang publiko sa lahat ng oras.

Aniya, hindi maiiwasan na mayroong lawless element na sasamantalahin ang eleksyon.

Kasabay nito, umapela si Bulalacao sa lahat na sumunod sa ipinapatupad na batas at patakaran kaugnay sa eleksyon tulad ng gun ban.

Facebook Comments