Mag-live-in partner, arestado sa isinagawang buy bust operation sa Marikina City

Kalaboso ang mag-live-in partner makaraang maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa 752 Shoe Ave., Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Edson Brigaste, 39 anyos at ang kanyang live-in partner na si Mary Giel Barsaga, 31 anyos kapwa residente ng no. 752 Shoe Ave., Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.

Ayon isinagawang imbestigasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa mag-live-in partner.


Narekober sa dalawang suspek ang 5 pirasong transparent plastic sachet na naglalamang pinaghihinalaang shabu at ₱500 buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments