Mag-Live-in Partner na Kasapi ng NPA, Sumuko

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong nagbalik loob sa pamahalaan ang dalawang mag-live in partner na miyembro ng New Peple’s Army (NPA).

Sumuko ang mga ito dakong alas 10:45 ng gabi noong Hunyo 04, 2020 sa tropa ng PNP Sto. Niño sa pangunguna ni P/Executive Master Sergeant Noel Balungaya.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, Enero 2018 nang mahikayat ng nagngangalang Ferdinand Bautista alyas Ka Simoy ang dalawa na itinago sa pangalang “Jay-ar”, 24 anyos, magsasaka, residente ng Sitio Aningag, Sta Felicitas, Sto. Niño, Cagayan at live-in partner na si “Aira”, 19 anyos, residente naman ng Rizal, Cagayan.


Nabatid na minsan nang nakipagbakbakan sa militar si “Jay-ar” na kadalasang inuutusan na taga kuha ng kanilang mga pagkain at gamot.

Walang katiyakan na patutunguhan at laging nagmamadali ang nag-udyok sa dalawa na umalis sa kilusan at magbalik loob na lamang sa gobyerno.

Nasa pangangalaga na ng PNP Sto. Niño ang dalawang sumuko para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments