Mag live in partner na NPA nakipag sagupa sa militar at mga pulis sa davao del norte; isa sa kanila patay

1385
New Peoples Army guerillas march in Davao City to celebrate the 48th founding anniversary of the Communist Party of the Philippines on December 26, 2016.

Namatay ang isang miyembro ng New Peoples Army matapos makipag barilan sa mga sundalo at pulis kasama ang kanyang kasintahan sa  Brgy Canocotan, Tagum City, Davao del Norte kahapon.

Sa ulat ng militar bitbit ang warrant of arrest sinalakay ng mga sundalo at pulis ang safe house ng magkasintahang NPA na kinilalang sina Jay Mendoza alyas Pogs at Cindy Terado alyas Jill.

Si alyas Jill ay nagsisilbing front secretary ng Guerilla Front 2 Sub regional Command 2 ng Southern Mindanao Regional Committee.

Sa halip na sumuko ay nagpaputok agad ng baril ang magkasintahan nang maramdaman ang presenya ng mga sundalo at pulis dahilan ng pagkakaroon ng engkwentro.

Sa sagupaan namatay si Cindy Terado alyas Jill habang nakatakas si Jay Mendoza.

Walang naitalang sugatan sa panig ng tropa ng pamahalan narekober sa safe house ng mag live in partner ang isang rifle, 2 IED, isang magazine r4 na may 10 live ammunition at isang mobile phone.

Facebook Comments