Mag-live in partner na sangkot sa iligal na droga, aresrado sa Kidapawan

19

Kidapawan, Philippines – Arestado ang mag-live-in partner na sangkot sa illegal drug trade sa Kidapawan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Renato Padernal at live-in partner nito na si Juvy Villanueva.

Sa ikinasang raid ng mga tauhan ng PDEA at pulisya sa tahanan ng mga suspek, narekober ang shabu na nagkakahalaga ng 450,000 pesos, isang kalibre-45 baril, digital weighing scale at bamboo sealer.

Lumalabas na kumukuha ng suplay ng droga sa bayan ng Pigcawayan Cotabato at ibenibenta sa lungsod ng Kidapawan, probinsya ng Maguindanao AT Cotabato.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.
Nation

Facebook Comments