mag live in partner- pinagsa-saksak- 1 patay

RMN-GENERAL SANTOS,Patay ang isang lalaki, at sugatan naman ang ka live-in partner nito matapos itong pinagsa-saksak ng dating ka-live in partner ng kinakasama nitong babae alas 3 ng madaling araw.

Nakilala ang biktimang si Arselito Agan, 45 anyos, at residente ng Purok San Vicente, Barangay Baluan syudad ng Heneral Santos, habang sugatan naman ang ka-live in partner nitong si Gemma Mangoy, 30 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, dating ka-live in ni Gemma na nakilalang si Alyas Totong ang tinuturong suspek sa nasabing pagpatay.


Una ng sinabi ng mga kaanak ng biktima na mayroon ng pagbabanta mula sa suspek ang mga biktimang mag live in.

Nagtamo ng mga sugat mula sa pananaksak ang mga biktima na ikinamatay ng lalaki at nasa ospital naman ngayon ang ka live in nitong babae.

Sa ngayon patuloy naman pinaghahanap ng mga autoridad ang nasabing suspek.

BRYAN OƑATE

Facebook Comments