Mag-live-in partner sa Taguig City, nahulihan ng bomba at ilegal na droga

94

Arestado sa pagdadala ng baril, bomba at mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang 29-anyos na lalaki na unang sinita ng mga pulis sa Taguig City dahil sa paglabag sa health protocols.

Kinilala ng Taguig City Police ang mga suspek na sina Hojieffee Esmael, alyas “Faisal-Ipay,” at Carmina Orellana, alyas “Mimay,” 27-anyos.


Tinangka pa sanang tumakas ni Esmael habang nakasukbit ang baril sa kanyang baywang pero agad din siyang nasakote ng mga pulis.

Nasa kabuoang 36 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P244,800 ang narekober sa dalawa.

Sina Esmael at Orellana ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Illegal Possession of Firearm and Ammunitions, Illegal Possession of Explosive at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments