Mag-live in sa Malabon, arestado sa pagbebenta ng ilegal na droga

46

Timbog ang mag-live in partner at kanilang kasama sa isinagawang buy-bust operation ng Northern Police District (NPD) sa Malabon City.

Sa inisyal na ulat, binabantayan ng mga awtoridad sina alyas “Amado” at “Blessy”.


Ang mga ito ay namamasukan na kasambahay pero suma-sideline din sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Nadakip ang mga suspek at ang isang parokyano nito matapos na bentahan ng sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P105,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kaso ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Facebook Comments