Magat Dam, hindi naka-disensyo para sa flood control – NIA

42

Iginiit ng pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) na hindi nakadisenyo para sa flood control ang Magat Dam.

Sa pagdinig ng Kamara, tinanong ni Marikina Representative Stella Quimbo si NIA Administrator Ricardo Visaya kung paano nitong hinahati-hati ang carrying capacity ng reservoir sa tatlong functions.


Paliwanag ni Visaya, hindi nakasaad sa operations manual ng Magat Dam ang storage ng flood water maliban na lamang kung ang lebel ng tubig sa reservoir ay mababa sa full supply level na 193 meters.

Base rin aniya sa impormasyon mula sa isang engineer ng University of the Philippines (UP), ang Magat Dam ay itinayo para sa patubig o irigasyon ng 85,000 ektaryang lupain.

Nauna nang sinabi ni Visaya na ang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam ay hindi pangunahing dahilan kung bakit nalubog sa tubig ang Cagayan Valley region nang tumama ang Bagyong Ulysses.

Facebook Comments