Magbestfriend, gumawa ng fake proposal para makakuha ng libreng dessert sa Texas

67

Texas – Para lamang sa libreng dessert, gumawa ng fake proposal ang isang
mag-bestfriend sa Texas.

Nag-oofer kasi ang isang restaurant ng libreng dessert sa mga taong
nagsi-celebrate ng kanilang mga espesyal na okasyon.

Kinilala ang mag-bestfriend na sina Alex Nagle, 17 taong gulang at si Cati
Domitrovitch, 19 taong gulang na gumawa ng prank.

Ayon kay Alex, kinausap niya ang isa sa mga waiter para i-surprise ang
kanyang bestfriend.

Paniwalang-paniwala naman ang mga staff ng naturang restaurant at
nagpalakpakan pa ang mga ito pagkatapos ng naging fake proposal ng dalawa.

Facebook Comments