Magbilas, timbog sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA sa Marikina

Natimbog ang magbilas sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Marikina.

Nakuha sa kanila ang 5 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na ₱34 milyon.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang mga arestado na sina Alyssa Marie Merdegia at Ricky Macabandang.


Isinagawa ang drug buy-bust operation sa Paliparan St. Barangay Concepcion 1, sa tip na rin ng isang concerned citizen.

Facebook Comments