Magdalo Rep. Gary Alejano, hindi na pagtutuunan ng pansin ang isyu kay bikoy pero pagsasampa ng kaso, tuloy!

1235

Dededmahin na lang ni magdalo Rep. Gary Alejano ang isyu kay Peter Joemel Advincula alyas “bikoy”.

 

Ito ay dahil inililihis lang aniya ng isyu ang atensyon ng oposisyon mula sa mga mas importanteng usapin.


 

Sabi ni Alejano, bagama’t ikinokonsidera ng oposisyon na kasuhan si Advincula, ayaw naman nilang malubog sa kwento ni bikoy na personal itong nakipagkita sa mga kandidato ng otso duretso, maliban kay Roxas at sa sinasabi nitong pakana nina Senador Antonio Trillanes IV at ng liberal party ang ouster plot laban kay Pangulong Duterte.

 

Giit ni Alejano, nagsisinungaling lang naman si Advincula.

 

Makabubuti rin aniya na itali na lang ang isyu sa legal na proseso.

Facebook Comments

From Advertisers