Magdalo Representative Gary Alejano, patuloy ang panliligaw ng suporta sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte

78

Manila, Philippines – Patuloy ang ginagawang panliligaw ni Magdalo Rep. Gary Alejano sa mga kasamahan nitong kongresista para suportahan ang impeachment complaint na isinampa niya laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay Alejano, may ilan ng kongresista ang nagpahayag ng suporta sa inihain niyang impeachment complaint kahit na tumanggi itong i-detalye kung ilang numero na ang hawak niya.

 

Kampante rin si Alejano na makakakuha siya ng sapat na suporta sa kabila ng pag-iral ng super majority sa kamara.

 

Kaugnay nito, isinasapinal na rin ni Alejano ang supplemental complaint na ihahain niya laban kay Pangulong Duterte.

 

Kabilang aniya sa supplemental complaint ang usapin ng Benham Rise at Scarborough Shoal.

 

Malalagay kasi aniya sa alanganin ang karapatan ng Pilipinas sa Benham Rise kung papayagan ni Pangulong Duterte ang pakikipagkaibigan sa China.



Facebook Comments