Maging bahagi ng solusyon, hindi ng problema’ – Sen. Pimentel

168

Manila, Philippines – Nanawagan si Senate President Koko Pimentel sa mga bagong graduates ng University of the Philippines (UP) College of Law na maging bahagi ng solusyon, hindi ng problema.

Sa kanyang talumpati, iginiit ni Pimentel, nag-aambag ang bawat mamamayang pilipino sa mga iskolar ng bayan na nagtatapos sa Unibersidad ng Pilipinas.

Kaya’t inaasahan sa kanila na makibahagi sa mga solusyon sa mga problema ng bansa.


Payo na nito sa mga graduates, huwag matakot na ipaglaban ang sa tingin nila ay tama at nararapat.

Bukod sa pagiging key note speaker, ginawaran din si Pimentel ng UP ng degree of doctor of laws.

Si Pimentel ay nagtapos ng abogasya sa UP at nanguna sa 1990 Phil. Bar Exams.



Facebook Comments