Magka-angkas sa motorsiklo kahit mag-asawa, bawal pa rin sa ilalim ng GCQ

130

Huhulihin pa rin ang magka-angkas sa motorsiklo kahit na pasok na ang Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) simula sa Lunes.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na kahit mag-asawa ay hindi pa rin maaari ang backride.


Ayon kay Eleazar, mananatili ang naunang guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mag-isa lamang ang sakay ng motorsiklo upang mapanatili ang social distancing.

Paliwanag ni Eleazar na kahit pa miyembro ng Philippine National Police (PNP) o alinmang law enforcement units ay huhulihin kapag magka-angkas.

Sa ilalim ng GCQ, balik-operasyon na ang public transportation pero limitado lamang ang capacity at kinakailangang sundin ang mga health safety protocols.

Facebook Comments