Magkaibang pahayag ng MWSS at water concessionaires nagdudulot ng kalituhan sa publiko

80

Magkaiba ang pagtingin ng MWSS at ng private concessionaires tulad ng Manila Water sa tunay na kalagayan ng water supply sa Metro Manila.

Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan paliwanag ng MWSS, walang water shortage at sapat ang supply ng Angat Dam.

Pero sa tingin ng Manila Water, kulang na ang supply na nakukuha nila sa Angat kung kaya at kumukuha na rin sila sa La Mesa Dam.

Giit ng Bayan dapat ilahad ang totoong sitwasyon sa suplay ng tubig at kung ano ang mga kongkretong hakbang para matulungan ang mga apektado ng service interruption.

Nagbabayad naman anila ng tama ang mga consumers kung kaya at kailangan din ng sapat na abiso ang mga consumers para sila ay makapaghanda.

Facebook Comments