Magkakapatid sa Maguindanao, timbog sa iligal na droga!

3 magkakapatid ang nalambat sa pinagsanib na pwersa ng Sultan Kudarat PNP, PDEA-ARMM, Charlie company ng 37th Infantry Battalion ng Philippine Army, 2 nd at 3rd Maneuver Platoons ng Maguindanao-RPSB sa ipinatupad na search warrant na inisyu ni *RTC Branch* 13 Presiding *Judge* Bansawan *Ibrahim* laban sa kina Abdulrahim Buisan Buyok, Nasser Batua Buyok at Hashim Buisan Buyok.
Ayon kay Sultan Kudarat Municipal Police Station Chief Police Chief Ins. Esmael Madin, natimbog ang naturang mga indibidwal kaninang pasado alas 4:00 ng umaga sa bahagi ng Barangay Katuli, Sultan Kudarat, Maguindanao.
20 sachet ng pinaghihinalaang shabu na may market value na P10, 000 at shabu paraphernalia ang nakuha ng mga otoridad mula sa mga suspek.
Nasa kustodiya na ngayon ng Sultan Kudarat PNP ang Batua brothers at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments