
Itinuturing na isolated cases ng Philippine National Police (PNP) ang magkakasunod na hostage-taking incidents sa bansa.
Ang mga insidenteng ito ay naganap mula January 20 hanggang February 18 sa Maynila, Batangas, Rizal, at Digos City.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, nailigtas ang lahat ng biktima at naaresto ang mga suspek dahil sa mabilis na pagresponde at husay sa crisis management ng mga pulis.
Bagama’t seryoso aniya ang mga insidenteng ito, hindi ito sumasalamin sa pangkalahatang sitwasyon ng peace and order sa bansa.
Tiniyak pa ni Gen. Marbil na mananatiling alerto ang pambansang pulisya sa pagbibigay ng seguridad sa publiko at pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa.
Kasunod nito, hinimok ng PNP ang publiko na maging mapagmatyag at gamitin nang tama ang social media sa pagbabahagi ng tamang impormasyon upang maiwasan ang pagkalat ng fake news.