Magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano, pasok sa Gilas Bubble Pool candidate

45

Isinama na sa Gilas Pilipinas pool ang magkapatid na sina Juan at Javi Gomez de Liano.

Kasama nina Juan at Javi ang iba pang Gilas cadets na sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, magkapatid na sina Matt at Mike Nieto, Jaydee Tungcab, Kobe Paras, Dave Ildefonso at Calvin Oftana.


Sa pahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), sasabak ang mga cadets sa gagawing training ng Gilas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ngunit hinihintay pa rin nila ang “go” signal ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Umaasa ang SBP na makapag-eensayo na ang Gilas Pilipinas pool lalo na’t sa November 26 ang magiging laro nila sa Thailand, November 28 laban sa Korea at November 30 kontra muli sa Thailand.

Ang Gilas Pilipinas ay nasa Group-A ng susunod na window ng 2021 Fiba World Cup qualifiers kung saan gaganapin ang mga laro sa Manama, Bahrain.

Facebook Comments