Magkapatid, Patay Matapos Malunod

683

Cauayan City, Isabela- Patay ang dalawang magkapatid na lalaki matapos malunod sa ilog sa barangay Fugu, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Ryan Tagao, 5 taong gulang at Leo Tagal, 4 taong gulang na kapwa residente ng brgy Fugu.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Police Senior Master Sergeant Bobby Taccad, imbestigador ng Ilagan City Police Station, dakong alas 8:00 ng umaga kahapon, November 7, 2020 nang magtungo sa ilog para maligo ang dalawang magkapatid kasama ang ilang mga kaibigan.

Habang naliligo sa ilog ang mga biktima ay hindi nila namalayan na napunta sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa matangay ng malakas na agos ng tubig.

Sinubukan namang saklolohan ng mga kasama ang magkapatid subalit nabigo ang mga ito kaya’t humingi na ng tulong sa kanilang kapamilya.

Ayon kay PSMS Taccad, posibleng hindi namalayan ng mga biktima ang pag-apaw ng tubig dahil sa pag-uulan kaya’t hindi na nakaahon ng ilog.




Dakong alas 9:00 ng umaga sa parehong araw ay narekober na ang katawan ng dalawang magkapatid sa bahagi rin ng nasabing Fugu river.

Sinubukan pang isugod sa osital ang dalawang magkapatid subalit sila ay binawian na ng buhay.

Nakaburol na sa kanilang bahay ang dalawang biktima matapos ang ‘di inaasahang trahedya.

Facebook Comments