Nasakote ng awtoridad ang maglive-in partner sa bisa ng ikinasang buy-bust operation sa Dagupan City.
Nakumpiska sa mga ito ang sampung gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P68, 000.
Nakuha rin ang isang 500 peso bill, at labing-apat na photocopied P1, 000 bill bilang boodle money.
Nasa kostudiya na ng pulisya ang dalawa para sa tamang disposisyon at haharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments