Maglive in partner, natagpuang patay sa Navotas

163

Manila, Philippines – Natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Navotas ang mag live in partner na unang dinukot ng riding in tandem criminal.

Inaalam na ng mga otoridad kung may kaugnayan ang dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril sa Navotas City.


Itoy matapos na makilala ang lalaking pinatay sa loob ng Navotas Cemetery na si Rogelio Gilbuena, live-in partner ng unang napatay na babaeng sa Brgy. NBBS matapos pagabarilin kagabi.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, pasado alas otso kagabi nang pasukin at dukutin ng sampung nakamotorsiklong lalaki ang mag asawa sa loob ng kanilang bahay sa Market 3.

Sa salaysay ni Mary Joy, anak ng biktima, nagpakilala na mga pulis ang mga nakamaskarang lalaki at pinasusunod sila sa istasyon ng pulis.

Agad din naman nilang pinuntahan ang lahat ng presinto sa lungsod ngunit hindi nila natagpuan ang magasawa.




Samantala, itinanggi naman ni PSI Anthony Mondejar Na nagsagawa ng operasyon ang pulisya kagabi kung nasaan inaresto ang magasawa.

Nabatid na dating gumagamit ng shabu ang babaeng biktima pero sumuko na sa oplan tokhang.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments