Magnificent 7 ng Kamara, bibisita sa Capiz ngayong araw at magsasagawa ng forum

285

Capiz, Philippines – Bibisita ngayong araw sa Roxas City, Capiz ang mga congressmen na kasapi ng magnificent 7 sa House of Representatives na kibabibilangan nina Capiz 1st District Rep. Emmanuel Billones, Akbayan Partylist Rep. Tomas Villarin, Northern Samar 1st Dist. Rep. Raul Daza, Albay 1st Dist. Rep. Edcel Lagman, Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano.
Ayon kay Cong. Billones, magsasagawa ang mga ito ng isang forum alas 9:00 ngayong umaga na gaganapin sa isang restaurant sa Pueblo De Panay, brgy. Lawaan, Roxas City.

Tatalakayin ng magnificent 7 ang ibat-ibang usapin tungkol sa mga pangyayari sa bansa kagaya ng gyera sa Mindanao at martial law.

Pag-uusapan din ang mga isinusulong na batas sa kongreso.


Bukas naman ang nasabing forum sa mga kasapi ng media, public officials, national government agencies, mga kawani ng pamahalaan, private sectors, NGOs, at mga ordinaryong mamamayan.

Ang magnificent 7 ay matunog na opposition sa kamara.

Facebook Comments