“Magnificient 7″ ng Kamara, inaasahang dadalaw kay Senator Leila De Lima

98

Manila, Philippines – Inaasahang bibisita kay Senator Leila De Lima ang tinaguriang “Magnificient 7″ ng Kamara sa susunod na Linggo.

Ito ang kinumpirma ni Ferdie Maglalang, media relations officer ni De Lima.

Kabilang sa mga miyembro ng “Magnificent 7″ sina Albay Rep. Edcel Lagman, Akbayan Rep. Tom Villarin, Magdalo Rep. Gary Alejano, Northern Samar Rep. Raul Daza, Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr., Caloocan Rep. Edgar Erice at Capiz Rep. Emmanuel Billones.

Bukod sa mga nabanggit na mambabatas, isa pang high profile personality ang bibisita kay De Lima sa Miyerkules.

Gayunman, tumanggi si maglalang na pangalanan ang naturang high profile personality.
DZXL558

Facebook Comments