MAGNITUDE 4.7 | Pagudpud, Ilocos Norte, niyanig ng lindol

34

Manila, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Pagudpud, Ilocos Norte.

Alas 6:39 kagabi nang maramdaman ang lindol, 2 kilometers southeast ng pagudpud kung saan naitala ang intensity V.

Naitala naman ang intensity IV sa mga bayan ng Dumalneg, Bangui at Laoag habang intensity III sa Sinait, Ilocos Sur.

Naitala naman ang instrumental intensity II sa Vigan City.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 12 kilometers.

Wala namang naitalang pinsala ang naturang pagyanig.

Facebook Comments