MAGNITUDE 5.2 | Isla ng Hokkaido sa Japan muling niyanig ng lindol

Japan – Muling niyanig ng lindol na may magnitude na 5.2 ang isla ng Hokkaido sa Japan kaninang umaga.

Ito ang ikalawang malakas na lindol na tumama sa isla sa loob ng isang buwan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency o JMA, may lalim na 31 kilometro ang lindol na na tumama sa Iburi at Hidaka region na nasa katimugang bahagi ng Hokkaido.


Sa kabila nito wala namang inilabas na tsunami alert ang JMA.

Tiniyak naman ng Hokkaido Electric Power Co. na walang naging epekto ang lindol sa operasyon ng nuclear at coal-fired power plant nito sa isla.

Facebook Comments