Magnitude 6.5 na lindol, tumama sa Fiji Island – PHIVOLCS, tiniyak na walang banta ng tsunami

World – Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Fiji Islands, kaninang alas 12:20 ng hapon, oras sa Pilipinas.

Naitala ang pagyanig 23.8 kilometers timog ng Fijian Island at may lalim na 104 kilometers.

Wala naman ipinalabas ng tsunami warning ang pacific tsunami warning center sa Hawaii.


Kasabay nito – tiniyak ng PHIVOLCs na walang banta ng tsunami sa Pilipinas.

Facebook Comments