Magnitude 7.7 na lindol, tumama sa border ng Peru at Ecuador

48

Niyanig ng 7.7 magnitude na lindol ang border ng Peru at Ecuador kagabi.

Naganap ang insidente pasado alas 6:00 ng gabi kagabi (Biyernes / February 22) oras sa Pilipinas.

Ayon sa US Geological Survey, may lalim na 156 kilometers ang lindol.

Hindi naman magdudulot ng banta ng tsunami sa baybayin ng bansa ang naturang lindol base na din sa Phivolcs.

Facebook Comments