Magnolia Hotshots Star Peter Jun Simon, tuluyan nang nagretiro sa PBA

38

Tuluyan nang nagretiro si Magnolia Hotshots Star Peter June Simon matapos ang 17 season na paglalaro nito sa Philippine Basketball Association (PBA).

Opisyal na inanunisyo ni Simon ang pagreretiro sa kaniyang Instagram account matapos na ilagay siya ng management ng Magnolia sa listahan ng mga free agent players.

Sa pahayag pa ni Simon, ito raw ang tamang panahon para magretiro sa PBA kung saan kasalukuyan siyang nasa Davao dahil may sakit ang kaniyang ama at ito na rin ang pagkakataon para mag-focus siya sa sariling pamilya lalo na’t buntis ang kaniyang asawa.

Todo pasalamat din ang 40-anyos na si Simon sa management at coaching staff ng Magnolia, sa kaniyang mga teammates at sa mga fans na sumuporta sa kaniya sa PBA.

Napag-alaman na si Simon ang ikatlong veteran player na nag-retiro kasunod nina Kelly Williams ng TNT Katropa at kapwa free agent na si Sonny Thoss ng Alaska.

Facebook Comments