Magnolia Hotshots Timplados at TNT Tropang Giga, tabla na sa best of seven sa semifinals ng PBA Philippine Cup

38

Wagi ang Magnolia Hotshots Timplados laban sa TNT Tropang Giga sa score na 92-88 sa nagpapatuloy na PBA Philipine Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Dahil dito, naitabla na sa 1-1 ng Magnolia ang best of seven sa semifinals.

Pinangunahan ni Mark Barroca ang laro matapos na makapag-ambag ng 22 points, limang rebounds at dalawang assists habang mayroong 20 points at 8 rebounds naman si Ian Sangalang.


Kasabay nito, sinabi ni Magnolia coach Chito Victolero na team work ang kanilang naging susi para naipanalo ang laro.

Facebook Comments