Magnolia Hotshots, tinalo ang league leading TNT Tropang Giga sa PBA Philippine Cup

49

Hindi pinaporma ng Magnolia Hotshots ang league leading na TNT Tropang Giga sa kanilang laban sa 2020 PBA Philippine Cup.

Tinalo ng Hotshots ang Tropang Giga sa score na 102-92.


Nanguna sa panalo ng Magnolia sina Paul Lee na may 27-points, Chris Banchero (19-points) at Mark Barroca (14-points).

Dahil sa panalo ng Hotshots, umangat ang kanilang kartada sa 3-4 win/loss record habang ang TNT ay may anim na panalo at dalawang talo.

Mamayang alas-1:00 ng hapon ay makakalaban naman ng Magnolia ang Terrafirma Dyip na gaganapin sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Facebook Comments