Magnolia Hotshots, tinapos ang elimination round sa PBA Philippine Cup ng may anim na sunod na panalo

47

Tinapos ng Magnolia Hotshots ang kanilang karera sa elimination round ng 2020 PBA Philippine Cup na may anim na sunod-sunod na panalo.

Huli nilang tinalo ang koponan ng Blackwater Elite sa score na 95-80.


Nanguna sa panalo ng Hotshots si Ian Sangalang na may 17 points at 10 rebounds.

Samantala, posibleng mamayang hapon na lalabas ng PBA Bubble ang Blackwater kasama ang NLEX Road Warriors at Terrafirma Dyip.

Facebook Comments