MAGPAKABAIT | PNP Chief Ronald Dela Rosa, may babala sa drug queen na si Yu Yuk Lai

Manila, Philippines – Binantaan ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa ang tinaguriang Drug Queen na Yu Yuk Lai na magpakabait na at talikuran ang droga.

Kahapon ng tanghali, personal na binisita ng PNP Chief si Yu na kasalukuyang nakakulong sa Correctional Institute for Women (CIW).

Kwento ni Dela Rosa, mismong si Yu na ang humamon sa kanya na barilin siya sa ulo kapag napatunayang sangkot pa rin siya sa ilegal na droga.


Nobyembre ng nakaraang taon nang masabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula kay Yu at naka niyang si Diane Uy ang nasa 15-milyong pisong halaga ng shabu.

Naaresto naman sa follow-up operation si Uy sa loob ng kanyang condo unit, ilang metro lang ang layo mula sa Solano Gate sa Malacañang.

Narekober din sa bahay ang nasa 10-milyong pisong halaga ng shabu.

Samantala, nilinaw naman ni Dela Rosa na walang kinalaman sa impending appointment niya bilang direktor ng Bureau of Correction ang naging pagbisita siya sa CIW.

Facebook Comments