Magpipinsan na Nag-inuman Humantong sa Saksakan-Isa Patay!

54

San Mariano, Isabela – Binawian ng buhay ang isang binata matapos na saksakin ng pinsan dahil lamang sa hindi pagkakaintindihan sa Barangay Minanga, San Mariano, Isabela May 1,2018.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rey Tad-O ng PNP San Mariano, kinilala ang biktima na si Michael Guerero, 27 taong gulang, walang asawa at residente ng nasabi ring lugar kung saan napuruhan ng saksak sa dibdib na sanhi ng kamatayan nito.

Ang suspek ay kinilalang si Jaylord Garo, walang asawa, isang tricycle driver at residente rin ng Minanga San Mariano.

Nasugatan naman sa mga kamay at braso ang dalawa pang pinsan ng biktima at suspek na sina Pj Guerero at Joey Guerero na itinakbo sa pagamutan para sa karampatang lunas.

Sinabi pa ni Inspector Tad-O na nag-inuman lamang ang grupo sa bahay ni Garo hanggang humantong sa hindi pagkakaintindihan ng bawat isa.

Nasa pag-iingat na ng PNP San Mariano si Garo at naisagawa na rin ang inquest para sa kasong haharapin na Murder at Bigong Pagpatay.

Facebook Comments