MAGSASAKA, ARESTADO SA QUIRINO MATAPOS MAKUHANAN NG MGA BARIL AT BALA

Cauayan City – Arestado ang isang magsasaka sa bisa ng warrant of arrest matapos mahulihan ng hindi rehistradong baril at bala sa Brgy. Del pilar, Cabarroguis, Quirino.

Kinilala ang suspek bilang alyas “Loyd”, 55-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Nakumpiska sa suspek, ang isang cal. .38mm revolver na may pitong bala at isang cal. .22mm pistol na may magasin at labing limang (15) bala.


Bigong magpakita ng legal na dokumento ang suspek para sa mga armas kaya siya ay inaresto at dinala sa Cabarroguis Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms.

Facebook Comments