MAGSASAKA, HINAMPAS NG BARIL SA MUKHA SA SAN QUINTIN

Isinangguni sa awtoridad ng isang 60 anyos na lalaki ang ginawang pananakit sa kanya sa Brgy. Gonzalo, San Quintin, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagjajogging ang biktima pauwi, tinigilan ito ng mga dalawang katao lulan ng motor. Bumaba ang backride at saka dito nito hinampas ng baril sa mukha ang biktima at pinaputukan ito.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay San Quintin Police Station Officer in Charge PCPT. ESTEBAN C FERNANDEZ III, nakilala na ang mag suspek at patuloy ang pagtugis sa mga ito dahil sa kopya ng CCTV sa lugar. Samantala, kasalukuyang ng nagpapagaling ang biktima dahil sa natamong sugat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments