Magsasaka – huli sa buy-bust operation ng PDEA 12 sa Barangay New Lambonao, Tantangan, South Cotabato

South Cotabato, Philippines – Arestado ang isang magsasaka sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 (PDEA) sa Purok Maligaya, Barangay New Lambonao, Tantangan, South Cotabato, pasado 1:30 ng hapon, Hunyo 6.

Kinilala ang suspek na si Richie Lasanas Gallego, alias Thor, 30-anyos, single, at residente ng nabanggit na bayan.

Si Gallego ay nahuli nang pumayag na magbenta ng 1 heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu sa PDEA agent na nagpakilala ng poseur-buyer sa halagang P500.00 bilang buy-bust money.


Narekober din sa suspek ang1 unit ng caliber .22 MRF na may apat na bala at 1 unit ng cellphone na ginagamit sa transaksyon.

Paglabag naman sa Section 5 ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 ang isinampang kaso laban sa suspek at sa ngayon naka-detine sa PDEA ROXII Detention Facility.
DZXL558

Facebook Comments