Magsasaka isa ng malamig na bangkay ng matagpuan sa Alamada North Cotabato

Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ang isang magsasaka sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Dry Creek, Barangay Camansi, sa bayan ng Alamada sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Wenie Mayola 48 anyos , binata, magsasaka na residente ng nabanggit na lugar.
Nagtungo sa pamamahay ng biktima ang isang Manuel Soriano subalit laking gulat nito ng madatnang wala nang buhay si Mayola na nakahiga sa kanyang higaan kaya agad itong tumawag ng tulong.
Huling nakita ang magsasaka gabi noong Nobymbre 14 sa isang tindahan .
Wala namang nakitang senyales ang pulisya na sinadyang pinatay ang biktima .(Amer Sinsuat)

Facebook Comments