Magsasaka na Naaktuhang Nagtatanim ng Marijuana, Arestado

29

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Benguet Police at PDEA CAR ang isang magsasaka matapos mahuli sa akto na nagtatanim ng Marijuana malapit sa taniman nitong repolyo sa Sitio, Colbonv, Cattubo, Atok, Benguet.

Kinilala ang naaresto na si Michael Banda-ay Bitabit, 61-anyos, tubong Bontoc, Mt. Province at kasalukuyang naninirahan sa Sayangan, Paoay, Atok.


Nakatanim sa helera ng ginugulay nitong repolyo ang 26 piraso nv fully grown Marijuana na nagkakahalagamg P6,000.00.

Nakita rin sa lugar ang marijuana stalks na ipinoproseso sa pagpapatuyo at tumitimbang ng isang (1) kilo at nagkakahalaga ng P120,000.00

Nahaharap si Bitabit sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments