Magsasaka na Nagnakaw ng Kalabaw, Arestado!

*San Mateo, Isabela- *Nasa kamay na ng mga otoridad ang isang lalaki na nagnakaw ng kalabaw sa Sitio Corocan, Salinungan West, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang nahuling suspek na si Rogelio Baltazar, 59 anyos, magsasaka at residente ng Brgy San Francisco, Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, Marso 3, 2019 nang nakawin ni Baltazar ang isang kalabaw na nagkakahalaga ng P60,000.00 habang nasa damuhan na pagmamay-ari ni Pascual Lalpoot, residente ng Brgy. Victoria, San Mateo, Isabela.


Sa patuloy naman na imbestigasyon at pagtugis ng PNP San Mateo ay nadakip si Baltazar pasado alas kwatro ng hapon noong Marso 4, 2019 sa Brgy. Victoria, San Mateo, Isabela.

Nasa kustodiya na ng PNP San Mateo ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa PD 533 o Anti- Cattle Rustling Law of 1974.

Facebook Comments