Magsasaka – natagpuang patay sa Barangay Mudan, Sarangani

38

General Santos City – Wala nang buhay nang natagpuan ng mga residente ng Park Malaumon, Barangay Mudan, Glan Sarangani Province ang magsasaka na si Ronelio Motoy, 41, residente ng nasabing lugar.

Alas 7:00 ng umaga nang nakita ang duguan at wala nang buhay na biktima sa gilid ng sapa ng nasabing barangay.

Sinabi ng mga kaanak nito nga hindi umuwi ng kanilang bahay ang biktima gabi bago pa natagpuan ang katawan nito.

Sa initial investigation ng Glan Municipal Police Station, nakitaan ang biktima ng sugat sa kanyang ulo ng pinaniniwalaang sinaksak ng hindi pa nakikilalang suspek na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon nagsagawa na ng masusing imbistigasyon ang pulisya sa nasabing lugar para na rin matumbok kung ano ang motibo ng nasabing krimen.

Facebook Comments